Miyerkules, Hunyo 29, 2011

LAGI NATING TANDAAN MAY BUKAS PA PARA SA ATING MGA PANGARAP












    Ako po ay isang estudyante na pumasok bilang isang iskolar sa isa sa may ari ng aking pinapasukang ekwelahan,na si Mr. Manny R. alfelor na ngayon ay nasa kabilang buhay na kaya ko po ginawa ang blog na ito upang makapag bigay inspirasyon sa ibang nangangarap na matupad ang kanilang mga pangarap na makapagtapos sa pag-aaral, na hindi hadlang ang kahirapan para hindio mo matupad ang iyong minimithi bagkos ikaw ay magsikap at higit sa lahat ikaw ay magpakatatag at mag tiwala sa iyong sarili.





Hindi mahirap abutin ang mga pangarap, ang mahirap ay ang iwasan ang mga hadlang sa pangarap, mga bagay na magdadala sa iyo sa maling daan upang lalo kang ilayo sa mga bagay na minimithi mong pangarap. Mga luho sa katawan, pansariling kaligayahan at panandaliang kaligayahan ang mga bagay na hahadlang sa minimithi mong pangarap na matupad.





      Iyan ang isa sa minimithi kong pangarap na hindi lang ako ang makakaramdam ng kasiyahan kundi ng buo kong pamilya ang masisiyahan sa nakamit kong pangarap.



ITO ANG ISANG PAGSASALITA O PAGLALARAWAN NA MAS NAGPALAKAS AT NAGBIGAY NG IDEYA UPANG MAS LALO KONG PAGSIKAPAN ANG AKING MGA PANGARAP

Hanggang sa pangarap na lamang ba…

Pangarap.
Isang salitang nagbibigay kahulugan sa buhay ng isang nilalang. Pumupuno sa bawat  kakulangan, nagsisilbing lakas sa gitna ng isang kasawian, at maliwanag na pag-asa upang magpunyagi at magtiyaga para makamit ang inaatim na kasaganahan at kaligayahan.
Paano ba ang mangarap? May limitasyon ba ang bawat pangarap? Dapat pa nga ba tayong mangarap sa kabila ng kawalan ng pag-asa dulot ng mapanlinlang na kapalaran?
Sa mura nating kaisipan natuto tayong mangarap at umasa. Mayroong payak at mayroon ding mahirap abutin. Batid man ang pagsubok na dapat pagdaanan napatuloy pa din ang walang katapusan nilang pangangarap.
Subalit sa panahong kasalukuyan, ang pangarap ay nanatili na lamang isang pangarap dahilan ng mga pangyayaring lumalaganap sa mundong ating kasalukuyang  ginagalawan, sa mga awayang pampulitika, at sa walang kabuluhang pamamalakad ng mga taong pinagkatiwalaan na s’yang gagabay at huhubog sa pagkamit ng ating inaasam na pangarap. Ang mga pangarap na minsang nabuo sa batang kaisipan ay malimit na tuluyang maglalaho at maupos…
ang bangkang papel ay tuluyan ng lulubog hanggang sa malasog sa lupit malakas na agos…
ang manikang basahan ay mananatili na lamang marungis at pinandidirihan ng sinumang matatas na nilalang…
ang matayog na lipad ng saranggola ay biglaang bubulusok at babagsak sa putikan ng pagkabigo…
Bakit kailangan humantong sa ganito?
Sa pangarap na lamang ba…
At saan na tayo papatungo ngayon?
Maging makabuluhan nawa ang pagbabagong maidudulot ng panibagong pamumuno sa ating minamahal na bansa. Naway gabayan ng Panginoong Maykapal ang kaisipan at mga gawain ng bagong mamumuno at magsilbi sana siyang alab upang manumbalik ang mga nauupos na liwanag sa mga diwa ng  mamamayang walang magawa kundi ang umaasa at panghawakan ang kanilang mga natitirang PANGARAP!



ITO PO ANG ILAN SA MGA HALIMBAWA NG TAONG NAGSIKAP PARA MAABOT ANG KANILANG MGA PANGARAP



Tsina: obdiyektibo at makatarungang pakitunguhin ang pagsisikap ng Myanmar

Sa pulong kahapon ng UN Security Council para pakinggan ang kalagayan ng pagdalaw ni pangkalahatang kalihim Ban Ki-moon sa Myanmar, sinabi ni Liu Zhenmin, pirmihang pangalawang kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat obdiyektibo at makatarungang pakitunguhin ng komunidad ng daigdig ang mga pagsisikap ng Myanmar.



Sinabi ni Liu na sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, iniabot sa mga lider ng Myanmar ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa isyu ng Myanmar at napalakas ang pagtitiwalaan ng dalawang panig. Ito anya ay mahalaga para mapasulong ang patuloy na pagsasagawa ng Myanmar ng prosesong demokratiko.

Sinabi rin ni Liu na umaasa ang Tsina na mapapatingkad ng UN ang konstruktibong papel para tulungan ang Myanmar sa paglutas ng mga isyu ng kabuhayan, lipunan at karapatang pantao, ngunit ipinalalagay din ng Tsina na ang mga pangyayari sa Myanmar ay suliraning panloob nito at dapat lutasin ito ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar mismo. Anya pa, tinututulan ng Tsina ang paglakip ng isyu ng Myanmar sa ahenda ng UN Security Council at pagpapataw ng sangsyon sa Myanmar.





        (Nuro, Upi-Nov 18, 2010) Nagbunga  ang mga pagsisikap ng Mindanao Human Rights Action Center (MinHRAC) kaya sila ngayon nasa bago na nilang opisina na nasa may Al-Borhan Mosque Compound, General Luna Street, Cotabato City.
Nitong umaga  ay nagkanduli (isang traditional na pagpasalamat sa Diyos) sa kanilang bagong opisina. Ang nasabing kanduli ay masayang tinanggap ang mga panauhin nina Atty Zainudin Malang ang executive director,  kasama ang mga deputy executive director na si Atty.Rasol Mitmug  Jr. at membro ng BOD na sina: the Board  of Director (BOD)   chairman, Atty.  Anwar Malang  and members of BOD:   Rahib P. Payapat,   Sammy Maulana,  Guiamel Alim, Atty Paisal Abdul,   Duma Mascud,   Booby Benito,   Rahib Kudto, Ms. Noraida Abo,  at Atty.  Fatima Kanakan.
Ang MinHRAC ay nabuo  noong Oktubre 31, 2008 sa Cotabato City. At Noong Mayo 5, nitong taon ay kinilala bilang kasapi ng Civilian Protection Component of the International Monitoring Team of the GRP-MILF Peace process (IMT-CPC).
Ang   pangunahing layunin ng MinHRAC ay: "pagtataguyod at paggalang sa karapatang pantao, konstitusyonal na karapatan, at itaguyod ang mga tuntunin ng batas sa Mindanao pati na rin ang ibang bahagi sa Pilipinas; sa pag-monitor, paglalantad at labanan ang paglabag sa karapatang pantao; upang itaguyod ang mga kritikal na mga karapatang pantao kamalayan sa gitna ng mga tao sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, impormasyon, pananaliksik at documentations; upang itaguyod ang kooperasyon at pagkakaisa sa gitna ng rehiyon, pambansa, at pandaigdigang organisasyon na aktibo sa larangan ng karapatang pantao ".
Ang Center ay nabuo dahil sa pinagsamasamang  pagpupunyagi ng mga Bangsamoro organizations tulad ng  Bangsamoro Lawyers’ Network, Institute of Bangsamoro Studies, Bangsamoro Women Solidarity Forum, Inc., Kadtuntaya Foundation Inc., Consortium of Bangsamoro Civil Society, United Youth for Peace and Development, United Youth of the Philippines, Bangsamoro Center for Just Peace, Kangudan Development Center Inc., IPRC, Bangsamoro Center for Law and Policy at ang  Al Ihsan Foundation.
Naging mga panauhin ang mga kasapi ng International Monitoring Team (IMT) mula sa Malaysia, Japan at Brunie, GRP – MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH). Dumalo din si  Gen. Ernesto Aradanas, commander ng Army's 603rd Infantry Brigade.
Nakipagsalo din sa mga masasarap na lutuing Bangsamoro na inihanda  ang mga kaibigang grupo na nagsusulong karapatan pantao, civilian protection group, media.
Ang nasabing okasyon ay isinabay narin sa katatapos na Eid ul Adha ng mga Muslim.